Esperanza Fabon, inalala ang naging property issue ni Nora Aunor

Nora Aunor, idinulog kay Judge Esperanza Fabon isang property isyu nung 2019.

Esperanza Fabon-Victorino, ibinahagi ang pagbisita sa kanya ni Nora Aunor tungkol sa property issue nito noong 2019.

Retired Judge Esperanza Fabon-Victorino about her friendship with Nora Aunor in the ’70s: “So, dinala niya ako sa bahay niya sa Greenhills. Tapos… it was nearing Christmas then, e. Tapos dinala niya ako sa isang room. Yung room, punung-puno ng gifts. Halos hindi mo na masara yung kuwarto…punung-puno! Sabi ko, ‘Kanino mo ibigay yan?’ Sabi niya, ‘Alam mo, marami akong pinagkakautangan, e. Sa kanila ko ibibigay yan.’ …She was very, very generous to the point na, parang minsan, naloloko na rin s
PHOTO/S: Jerry Olea
Sa pagpanaw ng National Artist na si Nora Aunor, nag-iwan ito ng iba’t ibang kuwento at mga isyung pinag-uusapan at pinagtatalunan pa rin ng super-Noranians.

Ang usap-usapan pa rin ngayon ay kung may naiwan ba si Ate Guy na ipapamana sa kanyang limang anak na sina Ian, Lotlot, Mater, Kiko, at Kenneth de Leon.

Meron daw kasing Last Will and Testament ang namayapang Superstar.

At nagtatanong na ang iba kung ano ang iniwan niyang ipapamana sa mga mahal sa buhay.

Pero walang nakakaalam sa ngayon sa nilalaman ng Last Will and Testament. Ang narinig ng Troika sa ikalawang araw ng lamay para kay Nora ay nasa kamay ito ng abugado at hindi pa nabubuksan.

Esperanza Fabon and Nora Aunor were friends since the '70s

Esperanza Fabon (left) and Nora Aunor were friends since the ’70s. Recalling some of their adventures then, Esperanza says Nora would invite her to her house or would whisk her to a theme park that the Superstar would rent exclusively for their troop.

NORA AUNOR’S fellow singer-actress becomes a judge

Samantala, napag-usapan din ang properties ni Nora sa Bicol, na naging isyu dahil nagkaproblema pa raw dito ang Superstar.

Nitong mga nakaraang taon ay ito ang pinagkakaabalahan ni Ate Guy na maayos, at sa pagkakaalam namin ay umabot pa ito sa kasuhan.

May kuwento kaugnay rito si Esperanza Fabon-Victorino.

Siya ay dating singer-actress na ginulat ang lahat nang maging Court of Tax Appeals judge.

Matagal na rin siyang kaibigan ni Nora, o kilala rin bilang Ate Guy.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP Troika si Esperanza sa burol ni Ate Guy noong Biyernes Santo, Abril 18, 2025, sa The Heritage Memorial Park, Taguig City.

NORA AUNOR PROPERTY IN IRIGA CITY

Ayon kay Esperanza, dalawang beses nagpunta si Nora sa office niya noong 2019.

Humingi raw ng tulong si Ate Guy sa problema nito sa properties sa Iriga City, Camarines Sur, ang hometown ng Superstar.

Lahad ni Esperanza: “Meron siyang problema sa kanyang mga properties sa probinsiya.

“‘Tapos, sabi ko sa kanya, matagal din kaming nag-usap, marami siyang documents na dala, e.

“Sabi ko, ‘Guy, hindi ko mababasa ngayon yung mga documents na yan kasi ang dami.’

“Sabi niya, ‘Ikukuwento ko na lang.’ E, di kinuwento na niya.”

Paliwanag ni Esperanza, karaniwang masalimuot basta usaping property, lalo na’t kaakibat nito ang usaping legal.

“Sabi ko, ‘You know, baka magkamali ako ng advice because yung sasabihin ko sa yo would depend on what you told me.’

“E, siyempre, since hindi ka lawyer, hindi ka…’ Layman [si Nora], di ba? ‘Baka yung ikukuwento mo, hindi significant dun sa sasabihin ko.

“‘O hindi ko matutumbok yung tama nating gawin, because baka iyun ang perception mo sa ganitong circumstance.

“‘Pero kung abogado at makikita yung dokumento, baka iba. Iba ang sasabihin.

“‘Gusto ko, dalhin mo rito yung mga dokumento.’”

Alaala Ng Pag-ibig starring Eddie Peregrina and Esperanza Fabon

Alaala Ng Pag-ibig (1971) starring Eddie Peregrina and Esperanza Fabon 
Photo/s: video48.blogspot.com

NORA AUNOR SEEKS JUDGE ESPERANZA FOR ADVICE AGAIN

Sa pangalawa nilang pagkikita noong 2019, humihingi raw si Nora ng lawyer na puwedeng mai-refer ni Esperanza.

Pagkuwento ni Esperanza: “‘Tapos, after two weeks, bumalik uli siya. Sabi, ‘Bigyan mo na lang kaya ako ng lawyer.’

“Sabi ko, ‘Wala akong kilalang lawyer na puwedeng makatulong.’

“Anyway, sabi ko, ‘Siguro puwede tayong humingi ng tulong sa PAO [Public Attorney’s Office]. But you see, maraming magagaling na lawyers dun sa PAO, kaya lang marami silang cases…’”

Naikuwento raw ni Nora na may problema siya sa titulo ng property na noong panahong iyon ay wala sa kamay nito.

Paglalahad pa ni Esperanza: “But I think may problema rin kasi doon sa mga titles niya na iniwan niya sa St. Luke’s para malabas yung brother niya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Parang mali yun, e. That’s against the law,’ sabi kong ganun.

“But hindi ko alam ang circumstances. Yung sinabi mo sa akin, yun lang sabihin ko sa yo.’”

Ipit daw noon si Nora.

Balik-tanaw pa ni Esperanza: “Medyo naano ako sa kanya, kasi parang wala na siyang pupuntahan, e. Pushed against the wall na siya.

“Sabi niya, ayaw daw ibigay yung title sa kanya.

“Sabi ko, mali yun e. Mali yun, sabi ko. ‘Pero subukan mo ulit, pumunta ka.’”

Pagkatapos daw nun ay hindi na ulit nagpunta si Nora sa opisina ni Esperanza.

Pero nagkita raw sila sa ibang okasyon.

“Nagkita kami, sa Sampaguita Pictures. Parang may affair yung kanyang fans.

“Kinumbida ako. That was the last,” ani Esperanza.

Esperanza Fabon was also cast in the movie I Do Love You

Esperanza Fabon was also cast in the movie I Do Love You (1970) 
Photo/s: starforallseasons.com

Nalungkot si Esperanza Fabon-Victorino nang mabalitaan ang pagpanaw ni National Artist Nora Aunor.

“Matagal ko na siyang naging friend. And when I was starting in showbiz, parang siya yung naging kaibigan ko,” balik-tanaw ni Esperanza.

“Then we had beautiful moments. Not necessarily love life, ano lang, yung lakwatsa.”

ESPERANZA’S FRIENDSHIP WITH NORA

Taong 1968 daw sila nag-umpisang magsama sa lakwatsa. Dalaginding pa lang noon si Ate Guy. Matanda ng tatlong taon si Esperanza. Magkabarkada sila hanggang early ‘70s.

Pagpapatuloy ni Esperanza: “She would pick me up sa bahay namin. Tapos we would go out.

“Bawal akong lumabas, pero pinapayagan ako ng nanay ko. Nora Aunor ang sumusundo sa akin, e. Biased, e, ano?! Biased ang nanay ko.

“Nagpunta kami noon sa tawag pa nun, Dewey Boulevard, [na ngayo’y] Roxas Boulevard.

“Meron dung mga ferris wheel. Sasakay kami sa ferris wheel. Tapos babayaran niya yung buong ferris wheel, kami lang ang sasakay.

“Oo, ganun. Ganun siya ka-generous, I would say.”

Eddie Peregrina and Esperanza Fabon movie I Adore You

Eddie Peregrina and Esperanza Fabon in the movie I Adore You (1970) Both were singers popular with the masa. 
Photo/s: video48.blogspot.com

ON NORA’S GENEROSITY

Niyayaya rin daw siya ni Nora magpunta sa bahay nito noong kabataan nila.

Balik-tanaw pa ni Esperanza: “And there was even a time that she brought me home, and then sabi niya sa nanay ko, ‘Puwede ba hong matulog siya sa amin?’

“Sabi ng nanay ko, ‘Papayagan ko kayong lumabas, pero hindi puwedeng matulog.’

“So, dinala niya ako sa bahay niya sa Greenhills. Tapos… it was nearing Christmas then, e. Tapos dinala niya ako sa isang room. Yung room, punung-puno ng gifts.

“Halos hindi mo na masara yung kuwarto, sa Greenhills, sa bahay niya sa Greenhills, punung-puno.

“Sabi ko, ‘Kanino mo ibigay yan?’ Sabi niya, ‘Alam mo, marami akong pinagkakautangan, e. Sa kanila ko ibibigay yan.’

“‘Ang dami!’ sabi kong ganun. ‘Hindi ko ma-imagine kung gaano karaming tao yung bibigyan mo niyan.’

“She was very, very generous to the point na, parang minsan, naloloko na rin siya. Naaabuso.”

Kung babalikan ang bonding moments nila ni Nora Aunor, ano iyong nangyari na si Esperanza Fabon lang ang nakakaalam?

Natatawang tugon ng retired judge: “Salbahe kasi kami nung mga bata kami. Well, there was this night na nagsyu-shooting, tapos dumating siya.

“May dalang nasa supot. May straw. Sabi sa akin, ‘Gusto mo?’ E, di nag-sip ako.

“Hindi pala softdrink. Beer pala! Ha! Ha! Ha!”

Nakalimutan na ni Esperanza kung anong movie yung syinusyuting, pero sa JVC Production daw iyon.

Anong taon iyon?

“Naku, huwag mo nang tanungin! Ha! Ha! Ha! Ha! Huwag mo nang tanungin! I am approaching 75. More or less, tingnan mo na kung anong taon yan.”

Noong ipina-partner si Esperanza kay Eddie Peregrina, meron bang opinyon si Nora?

“She was very, very busy then. So hindi na kami nagkakaroon ng time for ano, mga private na bagay,” pagsisiwalat ni Esperanza.

Ano ang puwede nating matutunan sa buhay ni Ate Guy?

“She was a very, very generous person — to a fault,” diin ni Esperanza.

“Kaya maraming umabuso. At saka she was not able to meet someone who could give her advice.

“Pero had she been given that opportunity, I don’t think she would reach that point na mahihirapan siya.”

Naalala rin ni Esperanza kung gaano kalaki ang talent fee noon ni Nora, na kilalang namumudmod ng pera sa mga katrabaho sa pelikula.

“You know ang disparity ng aming pay noong araw, sobra! We were paid PHP3,000 for two songs sa probinsiya. Malaking halaga na iyon noong araw!

“She was paid P30,000. At kukunin siya sa Manila ng helicopter. Dadalhin siya sa venue,” saad ni Esperanza.

“And then iuuwi siya uli ng helicopter. Samantalang kami, sasakay sa sarili naming sasakyan. Magbibiyahe. Ganun! Ganun siya kasikat!”

Naramdaman niya iyong competition?

Mabilis na umiling si Esperanza, “No, walang competition. Superstar siya. Superstar siya! We know our place.